Gilas naka-silver sa Jones Cup

TULUYANG sinelyuhan ng Gilas Pilipinas ang pagsungkit ng silver medal at ikalawang puwesto sa 37th William Jones Cup matapos nitong ilampaso ang Chinese Taipei-B, 96-67, sa larong ginanap sa Xinzhuang gymnasium sa Taipei, Taiwan.

Pinamunuan ni Gary David ang opensa ng Gilas sa kinamadang 22 puntos. Si Jason Castro ay nag-ambag ng 15 puntos habang si Moala Tautuaa ay nagdagdag ng 12 puntos at siyam na rebounds mula sa bench.

Tinapos ng Gilas ang kanilang kampanya sa Jones Cup na may 6-2 record.

Read more...