Nalunod ang 12-anyos na binatilyo nang maligo sa isang ilog sa Vintar, Ilocos Norte, kahapon.
Natagpuan na lang na walang buhay si Jalrenz Hilario, Grade 5 pupil, sa Aranzo River, Brgy. 13, Mabanbanag, dakong ala-1:30 ng hapon, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police.
Sinabi sa pulisya ng ina ng binatilyo na nang umagang iyo’y iniwan niya ang anak upang tulungan ang mister sa pagtatanim ng palay, pero lingid sa kanyang kaalama’y nagpunta ang bata sa ilog.
Isinugod pa ng mga rumespondeng tauhan ng Vintar Police ang binatilyo sa Rural Health Unit ngunit doo’y idineklarang patay ng doktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.