Siquijor nilindol

siquijor
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Siquijor kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:49 ng gabi.
Ang sentro nito ay 20 kilometro sa silangan ng bayan ng Maria at may lalim na 34 kilometro.
Naramdaman ang paggalaw na may lakas na Intensity III sa mga bayan ng Maria, Lazi, Enrique, Villanueva, at Larena.
Intensity II naman sa Tagbilaran City; Dipolog City; Dapitan City, Zamboanga Del Norte; Dauin, Sibulan, at Dumaguete City, Negros Oriental.

Read more...