Follow-up sa sinulat namin tungkol sa isa sa contestant ng Your Face Sounds Familiar na si Denise Laurel na pagkatapos daw ng programang ito ay pag-uusapan na nila ng fiancé niya ang detalye ng kanilang kasal.
Iilan lang kasi ang nakakaalam na engaged na si Denise sa boyfriend niyang player ng Barangay Ginebra, ang pointguard na si Solomon Jemuel Mercado, isang Filipino-American.
Kuwento nga ni Denise kuya pa tawag niya noon kay Solomon dahil nga magbarkada sila, “And oh my God, kuya nga, now I’m calling him baby!”
Kuwento ng aktres, magdadalawang taon na silang engaged ni Sol (palayaw ng BF) pero hindi pa raw nila napag-uusapan ang mga detalye ng kanilang kasal at katwiran niya, “Matagal na kaming engaged, kasi alam naman naming para kami sa isa’t isa, so feeling ko, after nitong Your Face, finally magde-decide na kami ng date para sa wedding,” sabi ng aktres nang makatsikahan namin pagkatapos ng presscon ng YFSF.
Pareho raw kasing busy sina Denise at boyfriend niya kaya hindi nila namalayang matagal na pala silang engaged. Bale ba, may anak si Denise sa dati nitong boyfriend na hindi na nakikita ng anak kaya ang kinalakihan na nitong ama ay si Solomon.
“The biological father of my son, he’s on another country, he travels all over the world for his work but I told him if he wants to give (support), it’s okay, it not, it’s okay, too.
My fiancé, I think they were meant for each other kasi since baby pa si Alejandro (pangalan ng anak), may bonding na sila,” sabi ni Denise.
Tinanong namin kung nagsasama na sina Denise at Solomon sa iisang bubong, “Oh no, my parents will die like I will burn in (hell),” mabilis nitong sagot sa amin.
Ibinahagi rin ng aktres na bago raw siya inayang magpakasal, “Before he proposed to me binili niya for us for our future, ‘yung condo (unit) on top of my parents condo para raw hindi niya ako ilalayo sa parents ko at para raw ‘yung anak ko hindi malulungkot na biglang hindi na makakasama ang parents ko.”
Kaya mas lalong napamahal si Denise kay Solomon dahil hindi siya inilayo sa magulang niya na talagang sobra niyang mahal. Retired na pareho ang magulang ni Denise kaya naitanong namin kung siya ang breadwinner ng pamilya.
“In our family, once you’re working, you contribute and if you want something na kailangan, pag-ipunan mo, eversince bata kami, ganyan ang turo sa amin, now that my daddy is retired and my mom is with us, all of us siblings like before naman.
Maski naman they’re working kahit hindi sila humingi kasi hindi naman nila kailangan, nagbibigay ako,” paliwanag nito sa amin.