MAGANDANG araw .
Lagi akong nagbabasa ng inyong pahayagan at alam ko na marami kayong natutulungan.. Gusto ko lang po sanang itanong ang status ng aking PhilHealth sa ngayon.
Kamakailan ay na-confine ako sa hospital pero hindi ko ito nagamit. Ask ko lang kung may problema o pwede po ba akong mag-reimburse sa nagastos namin sa hosptal. Heto po ang aking Philhealth number ….8880. ang pangalan ko ay Rodolfo Danao Jr. date of birth May 11,1965 place of birth, Leyte. Leyte. Sana ay masagot ninyo agad ang aking katanungan.
G. Dilao
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipagbigay alam na upang magamit po ang benepisyong PhilHealth, kailangan po na mayroong at least tatlong buwan sa huling anim na buwan na nabayaran bago ang araw ng admission. Halimbawa, kung kayo po ay naospital sa buwan ng Setyembre, kinakailangan po na may at least tatlong buwan po kayong hulog mula Abril hanggang Setyembre upang maka-gamit ng benepisyo.
Para po sa inyong karagdagang impor-
masyon, ito po ang mga kondisyon para ma-avail ang benepisyo:
Kailangan ay may kaukulang kontribusyon ang principal member (kinakailangan po na ang miyembro ay may tatlong (3) buwang kontribusyon sa loob ng anim (6) na buwan bago ang unang araw ng confinement/availment);
Kailangan PhilHealth-accredited ang ospital at duktor; at
Hindi pa nauubos ang 45-day benefit limit ng miyembro o ang 45-day benefit limit na paghahatian ng kwalipikadong dependent sa isang taon.
Samantala, kung nais po ninyong i-file ang mga dokumento, maaari naman po itong i-sumite sa pinakamalapit na PhilHealth Service Office 60 araw matapos ang discharged date:
Duly accomplished PhilHealth Claim Form 1
Kopya ng Member Data Record (MDR)
PhilHealth Claim Form 2 (na pupunan ng Ospital at ng attending physician)
Official receipts of payments made to the hospital and to the doctor’s waiver
Operative record,kung may operasyong isinagawa
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.