HUWAG na huwag kang manigarilyo sa loob ng business establishment sa Davao City upang di ka mapahiya.
Isang lokal na turista ang sinita ng may-ari ng isang restaurant sa Davao City dahil siya’y naniniga-rilyo sa kanyang mesa.
“Sinong may sabi? Bakit, pera ba ni Duterte ang binibili ko ng siga-
rilyo?” sabi ng turista nang sabihin sa kanya na mahigpit si Mayor Rody Duterte sa pag-enforce ng anti-smoking ordinance.
Tinawag ng may-ari ng restaurant si Duterte at siya’y dumating.
Pinakain ni Duterte ang upos na sigarilyo sa turista.
Bago siya umalis, si-nabihan ni Duterte ang tu-rista, “Never, ever challenge the law.”
Anong makikita nating aral sa anecdote na yun tungkol kay Duterte?
Ang dating piskal ng Davao City ay masugid na tagapagpasunod ng batas.
Wala siyang pakialam kung sino ka; kailangang sumunod ka sa batas kapag ikaw ay nasa Lungsod ng Davao .
Sana lahat ng opisyal ng gobyerno ay kaparehas ni Duterte.
Alam ba ninyo kung bakit naging magkalaban muli si Duterte at dating Speaker Prospero Nograles samantalang naging magkaibigan na sila?
Dahil lamang sa pagpapatupad ng no-smoking ordinance sa syudad.
Noong kinasal ang kapatid kong si Erwin kay Karen Padilla, dati niyang kasama sa ABS-CBN, sa Waterfront Hotel sa Davao City, kinuha nilang mga ninong sina Duterte at Nograles.
Ang kasalan ay ilang taon na rin ang nakararaan. Speaker of the House of Representatives pa si Nograles at si Duterte ay Davao City mayor na.
Dahil magkatuwang sina Duterte at Nograles sa kasal, muling naging magkaibigan ang dalawa na magkababata.
You see, Duterte and Nograles are related by blood on both their parents’ sides.
Kinuha ni Erwin si Nograles bilang ninong dahil ang asawa ni Nograles na si Bibeth ay second cousin namin.
Si Duterte naman ay kinuha bilang ninong dahil siya’y kaibigan na- ming magkakapatid. Ako ang nagrekomenda na siya’y kunin upang siya’y maging katuwang ni Nograles.
Naging maganda ang samahan nila mula noong kasalan hanggang sa may nangyaring insidente.
Isang Korean tourist ang nahuling nanigarilyo sa loob ng isang restaurant sa Davao City .
Sa presinto, tinawagan ng Koreano si Nograles.
Dahil kaibigan pala ng dating Speaker ang Koreano, hininging ibalato na lang sa kanya ng mga pulis ang banyaga.
Siyempre, pinagbigyan naman siya ng mga pulis.
Galit na galit si Duterte nang makarating sa kanya ang balita.
Sabi niya, “Nobody is above the law in Davao City .”
At doon nagsimula muli ang pagiging magkaaway nina Duterte at
Nograles.
Kapag nagpasya si Duterte na tumakbo sa pagkapangulo next year at siya’y palarin na manalo, tiyak na mapapatino niya ang Philippine National Police (PNP).
Si Duterte lang ang makagagawa nito.
Ang PNP ay isa na yata sa mga armed organizations sa buong mundo na walang disiplina.
Pero sa Davao City , walang abusadong pulis at sundalo.
Ang mga pulis at sundalo na hindi assigned sa Davao City at naglasing at umabuso sa lungsod ay nagsisi sa huli.
Sila’y dinisarmahan, inaresto at ikinulong kahit na gaano kataas ang kanilang ranggo.
Ang lumaban habang inaaresto ay napapatay sa shootout sa kapwa pulis o sundalo.
Sa ilang pagkakataon, si Duterte mismo ang namuno ng grupo na nagdisarma, umaresto at kumulong sa mga lasing at abusadong mga pulis o sundalo na pumunta sa Davao City upang mag-R-and-R (rest and recreation).