Maine Mendoza nakiusap sa Aldub fans: Huwag n’Yo na akong bigyan ng regalo

maine mendoza

Hindi pala Material Girl itong si Maine Mendoza, now more popularly known as Yaya Dub.
A photo of her conversation with a friend yata surfaced on social media in which she told her friend to dissuade her fans from giving her material gifts.

Pinagsabihan niya ito na ‘wag nang tatanggap uli ng regalo para sa kanya. Okay na raw siya sa simpleng thank you, sobra-sobra na iyon para sa kanya.

With that Instagram post ay lalong napamahal si Maine sa kanyang followers. Puring-puri nila ang dalaga, “At least di tulad ng mga idol nyo na free loader. Just saying.”

“Ay ang buti naman niya. Madami akong alam na artista may mga project naman pero hayok na hayok sa regalo. Minsan nga may special requests pa sa mga fans na OFW.

Kapal!! At nagtataka pa kapag binibigyan ng bill halimbawa sa resto, hopia na libre lagi. PG lang. Ayos ka Maine!” “Only shows di sya interesado sa material…Siguro nga dahil marami na sya non. 🙂 tama din nman na ipunin na lng ng fans pera nila.

A wise advice from a kid raised by businessmen.” “I don’t think its a case of pa-humble. It is called sensitivity for others. She does not want her fans to spend their hard-earned money on her all the time.

It’s actually refreshing. May she remain the same and not let the fame change who she really is. And yes, I am a big fan of both Yaya Dub and the real person behind the character she portrays.”

Napakabait naman pala nitong si Yaya Dub. Hindi siya nasisilaw sa material things. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.

Ang ibang celebrities, lalo na ‘yung mga nasa love team, ay tuwang-tuwa kapag nakaka-receive ng mamahaling regalo mula sa fans nila like branded bags or shoes.

Mayayaman na kasi ang mga fans ngayon. Hindi na lang sila basta-basta supporter, talagang gumagastos sila para iparamdam sa idol nila kung gaano nila ito kamahal.

Meron pa ngang iba diyan na nagpapa-private or block screening ng movie ng idol nila.

Read more...