Denise Laurel: Nawalan ako nang ganang kumanta! | Bandera

Denise Laurel: Nawalan ako nang ganang kumanta!

Reggee Bonoan - September 05, 2015 - 02:00 AM

denise laurel

“PRESSURE para sa sarili ko, teaser pa lang ng unang season ng Your Face Sounds Familiar, I said, I wanna do that, I wanna be there gusto ko ‘yan!”

Iyan ang bungad sa amin ng Kapamilya actress na si Denise Laurel sa presscon ng Your Face Sounds Familiar kamakailan kung saan isa nga siya sa masusuwerteng celebrity na magpapakitang-gilas sa pagi-impersonate ng mga kilalang music icons.

“Akala ko nga every weekend ibang set of artists kaya sabi ko I wanna audition. The moment there’s an audition, call me, I want to be there.

“Sabi sa akin, it’s the whole season (same artists), so sabi ko, maghihintay ako for season 2, gusto ko unang day palang ng audition nandiyan na ako, first thing in the morning, hindi ako natulog the night before, bagong gising talaga,” tugon pa ng dalagang ina kung may pressure ba sa kanya ang pagsali niya sa YFSF.

Nabanggit pa ng aktres na sumali siya rito dahil gusto niyang patunayang singer din siya, “Kasi do’n ako na-discover ni Mr. M (Johnny Manahan) sa musical theater, when I thought that it’s been 10 years almost since I’ve sung, or dance on stage, so I wanted to get back in touch with that kung kaya ko pa (kumanta) kung nandiyan pa ang boses ko, kasi for a time, sinabi ko nobody wants to hear me naman, so acting na lang talaga.

“So kinalimutan ko na talaga ‘yung boses ko, kinalimutan ko na ‘yung pagsasayaw, now that I have the chance, more than two lines na ‘yung kakantahin ko, I was so excited, so sa audition, it feels great, kasi at least naibigay ko sa audition ‘yung puso ko,” kuwento ni Denise.

May hugot si Denise sa sinabi niyang walang gustong makinig sa boses niya at manood sa sayaw niya kaya isinantabi niya ito at nag-concentrate sa acting.

Kilala naming mahusay na mang-aawit si Denise, tulad nga ng sinabi niya, sa musical theater siya nagsimula tulad nina Lea Salonga, Monique Wilson, at may pagmamanahan din naman ang aktres dahil mahusay na mang-aawit ang tito niyang si Cocoy Laurel.

Tinanong namin siya kung bakit nga ba nawala ang urge niya sa pagkanta, “I think the reason nga why I joined (YFSF) is gusto kong makita kung kaya ko pa, kasi talagang hindi ko na ginamit ang boses ko, hindi ko na inalagaan,” sagot nito.

Totally hindi pala talaga kumanta si Denise, maski sa bahay nila o sa corporate shows, “Wala talaga, nawalan ako ng gana, nagalit ako sa self ko, naisip ko na baka ako lang sa sarili ko ang marunong kumanta, pero sa ibang tao, hindi (pala). If you’ll see me (behind the scenes ng YFSF), you will see me…struggle talaga, simula pa lang, ang daming doubt.”

“So tingnan natin kung kaya ko pa, now that may bukol ako sa vocal chords. This is the reason why I’m so excited with this one, gusto kong makita kung kaya ko pang mag-perform,” aniya pa.

Kaya kapag may invitation daw siya sa mall ay talagang super excited si Denise, “Ine-enjoy ko talaga, akala mo nagko-concert talaga ako sa mall kasi ang saya-saya ko, kasi yun ang unang salpak ko nu’ng bata pa ako, singing, dan- cing and acting, lahat talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero nu’ng pumasok ako sa mundo ng showbiz, na-rea- lize ko na iisa lang pala, mamimili ka kung singing, dancing o acting, so du’n ko naisip na bakit dito sa Pilipinas, hindi puwedeng maging all around performer, kailangan somebody ka para maging all around performer, akala ko that time, ripe na ripe na ako, ang galing kong kumanta, sumayaw, hindi pala, ngayon ano na ako, rusty na ako, me kalawang na, wala na akong confidence so, I wanna do this (YFSF), I wanna challenge myself,” kuwento pa sa amin ni Denise.

Makakalaban ni Denise sa Your Face Sounds Familiar si- mula sa Setyembre 12 sina Kakai Bautista, Kean Cipriano, Myrtle Sarroza, Sam Concepcion, Michael Pangilinan, Eric Nickolas at KZ Tandingan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending