Pag-eksena ng anak ni Sen. Grace Poe sa presscon ni Jasmine may bahid politika?

bryan poe

Ang galing ng taong nakaisip na papuntahin si Bryan Poe Llamanzares sa presscon ni Jasmine Curtis para sa bagong serye nitong My Fair Lady – ang anak ni Sen. Grace Poe tuloy ang na- ging bida sa event.

Laman ng lahat ng pahayagan at social media si Bryan dahil sa bigla nitong pagsulpot sa event ng TV5 na ginanap sa isang hotel sa Makati. Tinabunan talaga ni Bryan ang cast ng My Fair Lady.

Baka naman may planong mag-artista si Bryan o baka naman may special participation siya sa serye ni Jasmine kaya may ganu’ng drama?

Ang sabi ni Bryan, gusto niyang makilala pa nang husto si Jasmine na long time crush niya since pareho sila ng eskuwelahan. Ang tanong ng marami, hindi ba niya puwedeng gawin iyon pagkatapos ng presscon? O sinadya talaga niyang ganu’n ang mangyari para libreng publicity na rin sa nanay niya na balitang kakandidato sa 2016?

Sa pagtatanong namin, ang may hawak pala ng presscon ng My Fair Lady ay ang Publicity Asia na siya ring kinuhang publicity agency ni Sen. Grace para sa kanyang kandidatura sa 2016. Sabi nga, para-paraan lang ‘yan!

Read more...