Gilas tinisod ang New Zealand sa overtime

gilas pilipinas

Umiskor ng 21 puntos ang 38-anyos na si Dondon Hontiveros at nagdagdag ng 22 puntos si Jayson Castro para pangunahan ang 92-88 panalo ng Gilas Pilipinas sa overtime kontra New Zealand sa 2015 William Jones Cup sa Taipei Biernes ng hapon.

Tumira ng tatlong dikit na tres sa overtime period si Hontiveros para masiguro ng Pilipinas ang ikaapat  nitong panalo sa anim na laro.
Sa Sabado ay makakasagupa ng mga Pinoy ang USA Select-Overtake. Umangat ng 16 puntos ang New Zealand sa third period pero sa tulong nina Hontiveros, Castro at Asi Taulava ay naitabla ng mga Pinoy ang iskor sa 78-all sa pagtatapos ng regulation time.

Read more...