GF na sumbatera | Bandera

GF na sumbatera

Pher Mendoza - September 04, 2015 - 03:00 AM

MANANG,
Ako po si Peter, 25, taga-Makati. Manang, humihingi po ako ng advice tungkol po sa GF ko. One year na po kami, at tuwing nag-aaway kami ay lagi po niya akong sinusumbatan sa mga pera o bagay na ibinibigay n’ya sa akin.
Lagi po niya minamaliit ang pagkatao ko, bobo raw ako, wala raw akong kwentang tao. Sinasabi niya palagi na hindi niya raw ako panghihinayangan kasi wala naman daw akong naibibigay sa kanya.
Sobrang sakit po ano po ba gagawin ko? thank you, and God bless.
Peter, Makati

Peter, she’s not worth it! Maybe find another girlfriend who will respect and value what you can give. Kung minamaliit ka niya at ipinaparamdam n’ya nang madalas ito sa iyo, hindi ‘yan healthy for your self-worth at in the long run, baka kamuhian mo pa siya.
Why are you staying? Bakit mo hinahayaan na gawin niya ito sa’yo? If your GF thinks love is only about material things then what does it says about her, ‘di ba? Gising, Peter, and also look at yourself and your worth. Do you deserve such comments from her? Iwan mo na siya please before she belittle you even more. You deserve to be happy.

Payo ng tropa:
Peter,
Bilang isang lalake ay naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo.
Kung ako sa iyo ay hiwalayan mo na lang siya dahil di ba dapat ang magkarelasyon ay nagsusupportahan at may malasakit sa isa’t-isa? Maghanap ka ng babaeng magiging kaagapay mo at magsisilbing inspirasyon sa iyo, tiyak na magiging mas maligaya ka pa sa buhay.

Djan

Hello Peter,

Bilib din ako sa iyo dahil nakatagal ka ng one year sa relasyon ninyo. Matiyaga ka rin at mabait.
Meron na palang ganyang attitude ang GF mo. Imagine GF mo pa lang siya ginaganyan ka na niya, what more kung mag-asawa na kayo baka mas malala pa ang mga sasabihin niya sa iyo?
Siguro naman may mga pinagkakaabalahan ka diba? May trabaho ka ba? Kung meron ay ipamukha mo rin sa kanya na kumikita ka kahit paano.
Mag-isip ka ng ibang pagkakaabalahan. Kung gusto mong mag-aral, mag-aral ka para mas maganda or pagbutihin mo pa lalo ang trabaho mo. Patunayan mo sa kanya na kahit wala siya sa buhay mo ay makaka-move on ka rin.
Hindi maganda sa isang relasyon ang laging nagsusumbatan.
Remember hindi ikaw ang mawawalan, at siya yun! Okay po ba?
Ate Jenny

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending