P3B hanggang P5B nawawala sa kaban dahil sa Balikbayan box smuggling—BoC

Alberto-Lina-0428
SINABI kahapon ni Bureau Customs (BOC) Commissioner Alberto Lina na tinatayang aabot sa P3 bilyon hanggang P5 bilyon ang nawawala kada taon dahil sa mga Balikbayan boxes na hindi dumadaan sa inspeksyon ng BOC.

“Humigit-kumulang sa pag aaral namin ilang bilyong piso ang nawawala sa atin, estimated lang po yan,” sabi ni Lina bilang sagot sa tanong ni Sen. Grace Poe matapos ang isinigawang pagdinig sa Senado.

Ayon pa kay Lina, aabot sa P250 milyon hanggang P416 milyon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa smuggling gamit ang mga Balikbayan boxes o P8.2 milyon hanggang P13.7 milyon kada araw.

Ito ay mas malaki kumpara sa naunang pahayag ng BOC na aabot lamang sa P600 milyon kada taon o P50 milyon kada buwan o P1.6 milyon kada araw ang lugi ng gobyerno dahil sa Balikbayan boxes.

Read more...