Jackpot sa Ultra Lotto 6/58 aabot na sa P175M bukas

lotto for site
Inaasahang aabot sa P175 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola mamayang gabi (Biyernes).
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office patuloy ang paglaki ng jackpot prize ng Ultra Lotto na hindi pa tinatamaan mula noong Pebrero.
Huli itong tinamaan noong Pebrero 22 at nagkakahalaga ng P50 milyon ang iniuwi ng nag-iisang nanalo.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo. Noong Linggo umabot sa P170.9 milyon ang jackpot prize nito. Walang tumaya sa mga numerong 21-06-57-56-30-33.
Sabawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng lotto.

Read more...