Sulat mula kay Allan ng Bood, Ubay, Bohol
Problema:
1. Ako ay tapos ng kursong Marine Transportation at tatlong beses na akong sumubok na makasampa sa barko pero palagi naman akong nape-fake at minsan ay naloko na rin ako ng mala- king halaga. Sa ngayon ay may trabaho naman ako sa isang factory pero hindi ako masaya kasi ang talagang pangarap ko ay magamit ko ang aking kurso at maka-experience na makapag-barko.
2. Sa kasalukuyan may aplay na naman ako at may tumutulong naman sa akin na isang dating seaman. Kaya lang medyo kinakabahan din ako kasi baka ma-fake na naman ako. Sa palagay mo ba Sir Greenfield sa pagkakataong ito ay matutuloy na kaya ako at matutupad na kaya ang pangarap kong makapag-barko? June 25, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Allan ng Bohol
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing bukod sa taong ito ng 2015 ay susuwertehin ka ng makapag-abroad, susuwertehin ka rin kung la- ging makikisama sa mga kaibigang Scorpio, Pisces, Virgo, Capricorn at kapwa mo Cancer.
Numerology:
Ang birth date mong 25, ay nagsasabing kung ang kasalukuyang tumutulong sa iyo ay isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 8, 17, o kaya’y 26, tuloy-tuloy ka niyang matutulungan upang lalo pang gumanda ang career mo bilang isang seaman. Dagdag dito, sa mga nasabing birth date ka makisama, dahila ng mga birth date at numerong nabanggit na sa itaas, ang siyang patuloy na magbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran kahit na nasaang lugar ka.
Luscher Color Test:
Upang lalo pang umunlad ng husto ang career mo, lagi kang gumamit at magsuot ng kulay na berde at pula. Sa nasabing kulay, magtutuloy-tuloy na ang marami pang suwerte at pagdating ng sunod-suno na magagandang kapalaran
Huling payo at paalala:
Allan ayon sa iyong kapalaran, may takdang panahon ang lahat ng bagay, at kung tatlong beses ka ng naloloko o nara-racket sa dating mga pag-aaplay mo sa abroad, tunay na tunay ngang sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, sa edad mong 27 pataas, matutupad na ang malaon mo ng pangarap – may isang mabunga at mabiyayang pagba-barko na itatala sa iyong karanasan.