One on One with ANGEL AQUINO: Nanatiling simple

NANATILING simple sa kabila ng nakasisilaw na ilaw ng showbiz.

Marami nga ang naglalarawan sa kanya na isang “child-woman” na walang kaere-ere sa katawan kahit hindi na biro ang kanyang narating sa piniling sining.

Bilang isang kaibigan, lagi niyang sinisiguro na maglalaan siya ng oras para maramdaman siya sa hindi inaasahang pagkakataon.

Napatunayan na ng  model-turned-actress na higit pa siya sa kanyang magandang mukha.

Ang pinakahuling pelikula ni Angel ay ang dramatic thriller na “Biktima” na ang kanyang direktor ay walang iba kundi ang napaka-promising na batang direktor na si RD Alba na magbubukas sa mga sinehan sa Miyerkules.

Ang pelikula ay kinunan nang buo sa Bohol.

Kwento ito ng isang babaeng TV reporter na nagdesisyong maglakbay sa mapanganib na isla ng Kamandao sa kabila ng babala ng kanyang asawa.

Kasama rin sa pelikula sina Cesar Montano, Mercedes Cabral, Sunshine Cruz, Ricky Davao at ang British-born aktor na si Paul Smith.Anong klaseng Angel ang makikita natin sa “Biktima”?
Ito ay nagpapakita ng isang napaka-distraught at disturb na Angel dahil na rin sa nangyari sa aking karakter. Gumagawa siya ng mga bagay na nakakasakit sa mga taong nanakit sa kanya.

Ano ang nakapagkumbinsi sa ’yo na gawin ang pelikula?
Binabanggit pa lamang si Mercedes Cabral na kabilang sa pelikula ay naging nakakaakit na ang proyekto, ngunit ang pangalan talaga ni Cesar Montano ang nakakumbinsi sa akin na tanggapin ang proyekto.

Ano ang payo mo sa mga biktima ng ganitong klase?
Lahat tayo ay nagiging biktima paminsan-minsan, depende kung paano natin mababaligtad ang sitwasyon na magpapakilala kung sino tayo.

Naranasan mo na bang maging biktima?
Ako ay naging biktima ng aking sariling gawa… ngunit ako’y natutong hindi manisi ng ibang tao, kayat binigyan ako ng lakas para malampasan ang naturang sitwasyon.

Ano pa ang hindi alam ng tao hinggil kay Angel Aquino?
Ako ay goofy at ako ay isang klutz!

Ano ang estado ng iyong puso sa kasalukuyan?
Ito’y kumplikado! Seryoso, ito ay tumitibok ng normal at may kapayapaan at ngumingiti paminsan-minsan.

Ano ang pinakamahirap na parte matapos kang lumipat sa pag-arte mula sa modeling?
Inilalabas ng pag-arte ang totoong emosyon ng tao maging ang hindi mo inakalang taglay mo.

Hindi lamang ako ngumingiti o nagpapakita ng saya.

Lahat ay naging mas intense at challenging …

Hinuhugot ko ang aking emosyon mula sa aking mga karanasan at nararamdaman, ang ilan ay nakatago sa kailaliman ng aking sarili.

Paano mo napapanatili ang pagiging simple?
Ang pamilya ko ang dahilan kung bakit lagi akong nakatuntong sa lupa.

Lagi ako pinapaalalahanan ng aking ina na panatilihin ko ang lahat na simple, mabuhay ako ng ayon lamang sa aking kakayahan at huwag umakyat ang kasikatan at pera ng showbiz sa aking ulo.

Anu-ano pa ang mga plano mo sa buhay?
Mas maraming biyahe para sa mga anak ko, nanay ko at kung kaya ko, ng buong pamilya ko, matuto ng ibang lingguwahe, at matutong magsayaw ng may kapareha.

Paano mo nakikita ang sarili mo 10 taon mula ngayon?
Tumira sa Europa, sumakay ng bisikleta, uminom ng wine, mag-imbita ng mga hapunan, bumili ng mga sariwang bulaklak, mag-grocery, gumawa ng liham at mga tula!

Ano ang iyong beauty regimen?
Laging panatiliing malinis ang mukha, mag-moisturize, uminom ng maraming tubig, kumain ng maraming fiber at magkaroon ng sapat na tulog.

Kung maaari, magpamasahe, tumawa at makipagkuwentuhan sa mga kaibigan at magbiyahe.

Ano ang fashion no-no para sa iyo?
Palda imbes na pantalon!

Paano nagiging sexy ang isang tao?
Katalinuhan, humor, tiwala sa sarili, tagumpay sa buhay… ayon sa pagkakasunud-sunod.

Anong karanasan ang nakapagpabago sa buhay mo?
Nang madiskubre ko na ako ay buntis sa aking panganay… Napagtanto ko na ako ay personal at direktang responsable sa buhay ng isa pang nilalang. — Inquirer

Read more...