Maynilad inilabas na ang mga apektado ng rotational water interruption

maynilad
OPISYAL nang inilabas ng Maynilad ang listahan ng mga lugar na apektado ng rotational water interruption sa Metro Manila simula susunod na linggo.
Sinabi ng Maynilad na kabilang sa mga apektado ng water interruption ang maraming lugar sa Caloocan City; Malabon City; Navotas City; Quezon City; Manila City; Makati City; Pasay City; Paranaque City; Las Pinas City; Muntinlupa City; Rosario; Cavite; Valenzuela City; Cavite City; Imus City, Cavite; at Noveleta Cavite.
Hindi pa kasama sa listahan na ipinalabas ng Maynilad ang sakop naman ng Manila Water.
Nauna nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na kinakailangang ipatupad ang rotational water interruption dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng Angat Dam at dahil na rin sa epekto ng El Nino phenomenon.

Read more...