Trak inararo ang 4 na sasakyan; 2 patay, 14 na iba pa sugatan sa Marikina City

Marikina-Accident-2
DALAWA ang patay matapos araruin ng 10-wheeler truck ang apat na sasakyan sa Marikina City kahapon ng umaga.

Kinilala ng mga rescuer ang isa sa dalawang nasawi na isang estudyante ng Technological Institute of the Philippines (TIP) na tumilapon mula sa loob ng jeepney matapos ang aksidente. Nakilala ang biktima base sa kanyang school ID.

Bukod sa jeepney, kabilang sa mga inararo ng 10-wheeler truck ay dalawang van at isang motorsiklo.

Samantala, naipit naman ang hindi pa nakikilalang driver ng truck (RHW 112) sa pagitan ng kanyang sasakyan at isang poste.

Ayon sa ulat ng DZMM, nakahandusay ay isa sa mga biktima sa kalsada at nakatakim ng pahayagan matapos ang aksidente sa kahabaan ng Bonifacio ave., Barangay Barangka ganap na ala-11 ng umaga.

Galing ang truck mula sa direksyon ng Aurora Boulevard at Katipunan ave., papunta sa Marikina City. Pababa ito ng flyover papunta sa Bonifacio ave. nang ito ay mawalan ng preno.

Bumangga ito sa isang pampasaherong jeepney, dalawang L300 na van at isang motorsiklo bago ito bumangga sa isang post ng Meralco.

Read more...