Mangingisda patay sa kidlat


Patay ang isang mangingisda nang tamaan ng kidlat habang namimingwit sa Abra River kamakalawa (Martes) ng hapon.

Agad nasawi si Maximo Tacanay, 49, residente ng Brgy. Deet, Tayum, Abra, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon.

Nakita pa si Tacanay nang pawalan niya sa ilog ang pamingwit na kung tawagi’y “bantak,” at tamaan ng kidlat, ayon sa ulat.

Read more...