Senador na-bad trip sa handang food, nag-walkout

HINDI naitago ng isang senador ang kanyang pagkadismaya sa pagkaing inihanda sa pinuntahan niyang news forum kamakailan.

Kasama sa forum na ito ang mga top media personalities ng isang malaking media organization na gumising pa nang maaga dahil nag-adjust sila sa schedule ng mambabatas.

Dahil may lakad sa Visayas area ang senador kaya ginawang breakfast forum ang naturang get-together.

Dahil sa dami ng mga issues na pinag-usapan ay umabot ang forum sa pasado alas-onse ng umaga.

Nang magsimula nang i-serve ang mga pagkain ay biglang umasim ang mukha ng ating bida.

Sinabi ng ating Cricket na kaagad niyang ipinatawag ang reporter ng naturang media organization na naka-assign sa Senate beat.

Si reporter kasi ang nag-imbita sa senador kaya natural lang na ito ang kanyang kausapin bukod pa sa matagal na niyang kakilala ito.

Tinanong ng senador kung meron pa bang ibang pagkain bukod sa mga inihain na pang-almusal.

Nagtanong ang reporter sa kanyang mga bossing kung may iba pa bang pagkain, Nang sabihin nilang wala ay kaagad na nagpaaalam ang mambabatas.

Hindi type ni Mr. Senator ang mga tinapay at kape na inihanda ng organizer ng forum kaya nagmamadali itong pumunta sa isang kalapit na five-star hotel at doon na lamang kumain.

Sinabi ng ating cricket na medyo napahiya ang mga bossing ng naturang media organization dahil sa pagiging taklesa ng mambabatas na hindi niya type ang inihaing pagkain.

Si Mr. Mambabatas ay kilalang mahilig sa pagkain at hindi naman ito maitatago, very obvious, ika nga.
Ang Mr. Mambabatas na prangka sa kanyang saloobin pagdating sa pagkain ay si Sen. F….as is Foodie.

Read more...