Umaasa sa dagdag pension

ANG nanay ko po ay benepisyaryo ng SSS pension ng tatay. Patay na po ang tatay ko kaya ang nanay ko ang tumatanggap ng pension n’ya. Kabilang po ba siya sa madadagdagang ng P2,000 sa pension? Kung totoo po ito, kelan po ito magsimula?

Malaking tulong po ang dagdag na pension para pambili ng gamot ng nanay ko, madami po kasi siyang gamot. Umaasa po ako sa agarang kasagutan ng aking katanungan.
Salamat po.
Roger Manapat

REPLY: Sakaling ganap nang maging batas ang panukala, ang lahat ng SSS pensioners maging ang mga benipisyaryo ay makatatanggap ng dagdag na P2,000 buwanang pension.

Sa panukalang batas na inihain sa Senado at Kamara, ang P2,000 pension increase ay across the board.

Nangangahulugan lamang na ang lahat ng SSS pensioners kasama na ang benificiary o minanang pension sa namatay na asawa o SSS pensioner ay makakatanggap ng increase.

Halimbawa, ang mga tumatanggap ng basic P1,200 pension per month ay makakatanggap ngayon ng P3,200 kung pinal na papasa at magiging ganap na batas ang panukala.

Minamadali ng mga mambabatas na agad na mapagtibay ang bill at target na mapirmahan ito ng Pangulo sa darating ng Disyembre upang ganap na maging batas.

Ma. Luisa P.
Sebastian
Department
Manager III
Media Affairs
Department
Social Security
System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...