Anak ni Binay kinasuhan sa Ombudsman

abi
Inireklamo ng malversation of public funds si Makati City Rep. Abigail Binay kaugnay ng paglalagay nito ng kanyang pork barrel fund sa kuwestyunableng non-government organization na maihahalintulad umano sa kaso ni Janet Lim Napoles.
Kasama sa inireklamo ni Atty. Renato Bondal sa Ombudsman ang kapatid ni Binay na si Makati Mayor Erwin Jejomar Binay Jr., COA Auditor Cecila Cag-anan at Ryan Barcelo, mga opisyal ng Gabay at Pag-asa ng Masa Foundation Inc., at Kaakbay Buhay Foundation Inc.
Si Barcelo umano ang pumipirma upang makalabas ang pondo.
Malaking bahagi umano ng Priority Development Assistance Fund ni Rep. Binay mula Enero hanggang Setyembre 2011 ay inilagay nito sa Makati City Government.
Noong Enero 20, 2011, inilagay ng Makati City government ang P15 milyong pondo sa Gabay Foundation at noong Marso 2011 ay P10 milyon naman sa Kaakbay Foundation.
Mula sa mga NGO ay inilabas umano ang pondo na dapat ay ginugugol sa mga proyekto para sa lungsod.
“Both Gabay Foundation and Kaakbay Foundation have been found to be dubious and fradulent NGOs by the COA and which belongs to the Godofredo Roque group with similar modus operandi with that of the now infamour Napoles NGOs,” saad ng reklamo

Read more...