Gilas binigo ng South Korea

Mga Laro Ngayon
(Xinguang Gymnasium)
1 p.m. Spartak Primorye vs Gilas Pilipinas
3 p.m. Iran vs Wellington Saints
5 p.m. USA Select-Overtake vs South Korea
7 p.m. Chinese Taipei-B vs Chinese Taipei-A

NAKALASAP ng masakit na kabiguan ang Gilas Pilipinas kahapon matapos kapusin laban sa South Korea, 82-70, sa 37th William Jones Cup sa Xinguang gymnasium sa Taipei, Taiwan.

Bunga ng pagkatalo, nalaglag ang Gilas sa 1-1 karta habang ang South Korea ay umangat sa 1-2 kartada.

Pinangunahan ni Terrence Romeo ang Gilas sa kinamadang 23 puntos habang si Gary David ay nagdagdag ng 16 puntos.

Si Calvin Abueva ay nag-ambag ng siyam na puntos at anim na rebounds, si Jayson Castro ay nagtala ng pitong puntos at limang rebounds at si Ranidel de Ocampo ay may limang puntos at anim na rebounds.

Pinamunuan ni Tae-Young Moon ang South Korea sa ginawang 17 puntos.

Makakaharap naman ng Gilas ang Russian team na Spartak Primorye ngayong ala-1 ng hapon.

Read more...