Hinigpitan na si Kris Aquino dahil alas diyes ng gabi ang cut-off niya sa lahat ng kanyang commitments kasama na ang shooting ng “Etiquette For Mistresses” at kailangang 12 ng madaling-araw ay tulog na siya.
Closely-monitored na si Kris ng mga kapatid niya at doktor dahil nga sa pabalik-balik nitong sakit at strict diet daw siya nga- yon. At maging sa pag-inom nito ng gamot ay talagang bantay-sarado rin na kadalasan ay nalilimutang inumin ng TV host-actress.
Masunurin ngayon si Kris dahil hindi siya aktibo ngayon sa social media at madalas ding patay ang cellphone niya para raw makapagpahinga siya.
Sinabihan si Kris ng doktor na dalawang linggong magpahinga pero nakiusap siyang kailangan niyang tapusin ang pelikula nila nina Kim Chiu, Cheena Crab, Iza Calzado at Claudine Barretto mula sa direksyon ni Chito Roño for Star Cinema na showing na ngayong Setyembre.
Kaya siguro binigyan na lang siya ng cut-off time. One at a time ang bilin sa Queen of All Media pagdating sa trabaho kaya naman on leave siya sa Aquino And Abunda Tonight.
Kinailangan na ring mag-replay ng Kris TV dahil wala na silang nakabangko na bagong episodes.