Kung may nagpu-push kay Dingdong Dantes na sumabak na sa politika sa 2016, may mga kaibigan din siyang nagsasabi na wag na niyang ituloy kung may balak siyang tumakbo sa dara- ting na eleksiyon.
Tulad ng matagal na niyang kaibigan na si Dino Guevarra na napapanood ngayon sa afternoon series ng GMA na Buena Familia, kung siya raw ang tatanungin, hindi niya ie-encourage si Dingdong na pasukin ang magulo at maiskandalong mundo ng politika.
“Kasi nakakatulong naman siya kahit hindi siya politiko, e. Maganda ang pagpapatakbo niya sa YES Foundation at marami na rin silang natulu- ngang mga kabataan.
“So, why run? Ang advice namin sa kanya hindi mo naman kailangan, e. Talagang dini-discourage namin siya. Kasi na-experience ko na rin yan nu’ng tumakbo ako, e.
Nagkonsehal ako sa Parañaque 2004. Tapos nu’ng 2010 tumakbo uli ako pero talo. After that, ayoko na, hindi naman traumatic, pero mahirap talaga,” paliwanag ni Dino nang makausap namin sa taping ng Buena Familia kamakailan.
“Actually, six years na namin pinag-uusapan yan, e. Anim na taon na niyang pinag-iisipan yan kung tatakbo ba siya o hindi.
So dati pang maraming humihikayat sa kanya, pero yun nga lagi naming sinasabi sa kanya hindi na niya kailangan,” hirit pa ng aktor na naging close kay Dong simula pa noong 1990s nang magkasama sila sa Abztract Dancers, hanggang maging magkatrabaho sa TGIS.
Nu’ng huli naming makausap si Dong, nagsalita na siya nang tapos – hindi siya tatakbo sa 2016 elections. Maligaya rin si Dino ngayong magiging tatay na ang kaibigan niya sa first baby nila ni Marian Rivera,”I’m happy kasi magiging dad na si Dingdong.
I’m sure he’ll gonna be the best dad that he can be. “Magiging magaling na ama si Dingdong, long overdue na ‘yan sa kanya. I mean, alam na niya ang ginagawa niya diyan, at magiging good dad ‘yan at good mom si Marian,” sey pa ni Dino.