MALAKI ang implika- syon ng nangyayaring kilos protesta ng Iglesia ni Cristo sa bansa lalo na sa pagpapalit ng liderato sa May 2016.
Napansin ba ninyong maraming pulitiko ang ingat na magsalita rito? Kahit Malacanang ay nagmumukhang “bading” sa mga nangyayari.
Sabi nga, kapag militante ang nagra-rally, nagmamadaling mamuwersa, pero pag INC, wala lang. Siyempre, napakalakas ng impluwensya ng INC at sila ang “critical factor” sa tuwing halalan.
Ito ay bukod pa sa katotohanang maraming opisyal ngayon ng gob- yerno, maging pulis o militar, gayundin sa media ang kaanib ng naturang sekta.
Sa panig ng Tuwid na Daan at mga opisyal ng gobyerno, maling-mali ang kilos ng INC sa Padre Faura at Edsa. Tinanggap ng DOJ ang reklamong “kidnapping and serious illegal detention” ng itiniwalag na ministro na si Isaias Samson laban sa mga taga-sanggunian, pero simula pa lang ito ng matagal at mahaba pang proseso.
Sa social media, bi- nabatikos ang INC sa perwisyong idinudulot nila sa taga-Metro Manila na hindi na makadaan sa Edsa o Padre Faura. “Blind followers” daw ang mga nagra-rally na ginagamit lamang ng kanilang mga lider.
Pero sa kalatas ng INC, giit nito na i- pinaglalaban lang nila ang apat na isyu.
Una, paghihiwalay ng Simbahan sa gobyerno na ang sentro ay si DOJ sec. Leila de Lima na umano’y nagpakita ng kakaibang interes sa reklamo ni Samson. Kaya nga sa rally ang tawag nila sa dalawa ay “Samson and Delilah”.
Ikalawa, ang kawalan ng hustisya sa dalawang INC na namatay kasama sa Mamasapano.
Ikatlo, ang isyu ng PCOS machines at dayaan sa halalan, at ikaapat ang Disbursement Acceleration program (DAP) na idineklarang ilegal ng Korte Suprema.
Doon sa isyu ng “religious freedom”, Mama- sapano at DAP, totoong may dapat ipaliwanag dito ang DOJ at Malacanang lalo’t ang nagi- ging isyu ay “selective justice”. Mabilis kung gusto, ubod ng bagal kung ayaw. At ang standard na sagot, ay laging proseso.
Nag-over-react ba ang INC sa kasong kidnapping at “serious illegal detention”? Hindi ba’t ito rin ang mga kasong ginamit kaya napakulong si Janet Napoles, Cedric Lee at muntik na si Businessman Roberto Ongpin?
Baka merong taga-loob ng Palasyo ang nag-leak ng impormasyon sa INC na ganito ang gagawin din sa Sanggunian kaya ganito na lang ang kanilang reaksyon?
Mabilis sa reklamo ni Samson pero napakabagal sa Mamasapano at sa ilegal na DAP ay wala pa ring nakakasuhang taga–administrasyon kahit ipinagbawal na ng Korte.
Sa isyu naman ng PCOS, nakikita kong ito’y malakas na babala ng INC laban sa dayaan sa Mayo 2016. Hindi ako magtataka kung ang mga lokal ng INC ay nakaranas din ng “hokus-pcos” noong 2013 elections tulad ng nangyaring PCOS magic sa Bataan at sa Compostela, Cebu. Ika nga, nawala rin ang mga boto ng mga taga-INC.
Sa totoo lang , malalaking puntos din para sa bayan ang ipinaglalaban ng INC sa kilos protesta. Nakakarating ba ito sa buong bayan? Mukhang hindi, dahil mas tinutuligsa ngayon ang perwisyong idinulot nito sa kanila. At ang tanong, kusa bang ihihinto ng INC ang kanilang i- pinaglalaban kahit naiinis sa kanila ang mga motorista, commuters at iba pa? Sa palagay ko, hindi pa rin.
Sana magkaayos na ang Malacanang at INC dito, dahil kung hindi, ang mga kandidato ng LP sa mga senador at lokal ang lubusang mapipinsala. Siguro, akala ng Palasyo, hating-hati na ngayon ang “block vo- ting” ng INC sa eleksyon. Pero, sa nangyayaring “show of force” ng kasalukuyang sanggunian, ipinapakita nito na buong-buo pa rin ang pagkakaisa ng INC.
INC sa Edsa: May saysay ba o perwisyo?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...