Wish ni Kylie kina Robin at Mariel: Sana makabuo uli sila ng malusog na baby!

kylie padilla

KUNG papipiliin si Kylie Padilla sa mga Kapuso actors, si Aljur Abrenica sana ang gusto niyang makatambal sa susunod niyang proyekto sa GMA.

Ayon kay Kylie, ngayong wala nang isyu sa kanila ni Aljur at pareho na rin naman daw silang naka-move on, maybe it’s about time na magtambal sila sa isang proyekto para naman sa mga tagasuporta nila ng aktor.

Naniniwala si Kylie na meron din silang chemistry ni Aljur on screen kaya gustung-gusto niyang makagawa sila ng teleserye o drama series ng binata. Pero mariing sinabi ng dalaga na wala na talaga siyang nararamdaman sa dating boyfriend.

At kahit pareho silang single ngayon ni Aljur, sa ngayon, mukhang imposible na silang magkabalikan.
Nakausap namin ang Kapuso actress sa taping ng afternoon series nilang Buena Familia nitong Biyernes ng tanghali at kahit nga kagigising lang niya that time mula sa pag-idlip ay game na game pa rin siyang nakipagchikahan sa ilang piling miyembro ng entertainment media.

Nang matanong naman ang dalaga kung kumusta na ang tatay niyang si Robin Padilla ang misis nitong si Mariel Rodriguez matapos makunan, inamin nitong, hindi pa rin sila okay.

Actually, hindi raw talaga nila pinag-uusapan ng kanyang tatay ang tungkol dito, “Nu’ng huli kaming magkita, ‘yun, medyo malungkot pa rin. Of course, hindi naman ganu’n kadali talaga. But what I just did was hug him and yun, napangiti naman siya.”

Hindi naman daw sila nagkaiyakan ni Binoe, “Hindi naman kasi kami ganu’n. Siyempre, hindi ko naman ipakikita sa kanya na umiiyak ako. And I believe na magiging okay din ang lahat.”

Ipinagdarasal din ng Kapuso leading lady na makabuo uli ng baby sina Binoe at Mariel at maging healthy na ang bata. Hangad din ni Kylie ang kumpletong kaligayahan ng kanyang ama at ni Mariel.

Samantala, inamin naman ng dalaga na gusto na niyang magpakamatay noong hindi pa siya sanay sa pamba-bash ng mga netizen. Grabe raw kasi ang mga sinasabi sa kanya noon ng bashers, lalo nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Kasi, they always tell me, hindi ako sisikat, na nakilala lang ako dahil anak ako ni Robin Padilla. ‘Yung every morning, paggising mo puro negative ang nababasa mo. Pero noon ‘yun, ngayon wala, dedma lang.

“Hindi ko na lang iniintindi, kasi I know, kahit na depensahan ko ang sarili ko, may masasabi at masasabi pa rin ang ibang tao. So, might as well, dedmahin mo na lang. J

ust focus on your work and just entertain yung mga positive para mas maging magaan ang feeling mo,” chika pa ni Kylie na kahit walang make-up ay ang ganda-ganda pa rin.

Speaking of Buena Familia, magkahalong kilig at drama ang dapat n’yong abangan this week sa Afternoon Prime ng GMA.

Sa kabila ng pagkakamabutihan nina Celine (Kylie) at Darling (Julie Anne San Jose) kina Harry (Martin del Rosario) at Kevin (Jake Vargas), patuloy namang humaharap sa pagsubok ang pamilya Buena dahil sa mga plano nina Josephine (Sheryl Cruz) at Quentin (Dino Guevarra).

Mapapalayas sa mansion ni Quentin sina Darling, Celine at Edwin (Julian Trono) habang maiiwan naman sina Bettina (Angelu de Leon) at Faye (Mona Louise Rey).

Bagamat may mga pagsubok, hindi panghihinaan ng loob si Darling matupad lamang ang kanyang pangarap na maging isang sikat na singer.

Makikilala niya ang isang voice coach na siyang magbubukas ng oportunidad para sa kanya.
Samantala, mukhang mas dapat pang maging matibay si Celine dahil bukod sa problema sa pamilya, haharapin din niya ang katarayan ng ex-girlfriend ni Harry na si Iris (Jackie Rice). Ang Buena Familia ay sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr..

Read more...