Coco hiyang-hiya kay Julia: Kung reregaluhan ko siya, hindi bahay, kundi…

julia montes

Hiyang-hiya si Coco Martin sa mga naglabasang chika na siya ang bumili ng bagong bahay ng kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes na na matatagpuan din sa kanilang village.

“Nahihiya ako para sa kanya dahil may lumalabas na ganong issue. Siguro kung may ibibigay man ako hindi bahay siguro wisdom,” paliwanag ni Coco sa isang panayam.

Nauna nang idinenay ni Julia na regalo ni Coco sa kanya ang bago niyang bahay sa sosyal na subdivision sa Fairview, Q.C., aniya, sariling pera niya ang ipinambili ng bahay, pero inamin niyang kinonsulta talaga niya si Coco tungkol sa property dahil nga alam na nito ang pasikut-sikot doon.

Read more...