TINIYAK ng Malacanang na patuloy na minomonitor ng gobyerno ang protestang inilunsad ng Iglesia ni Cristo na umabot na hanggang Edsa Shrine.
“Government is monitoring to ensure public safety,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa isang text message.
Itinanggi rin ni Coloma na nagpatawag si Pangulong Aquino ng emergency meeting Biyernes ng gabi matapos umabot na sa ilang libong miyembro ng INC ang lumusob sa Edsa para hilingin ang pagbibitiw ni Justice Secretary Leila De Lima.
“Not true,” ayon kay Coloma.
Ipinoprotesta ng grupo si De Lima dahil sa pagbibigay nito ng prayoridad sa kasong isinampa ng dating ministro ng Iglesia laban sa mga opisyal nito.
Una nang tiniyak ni Coloma sa Iglesia na hindi makikialam ang gobyerno sa gulong nangyayari sa loob ng pamunuan ng INC.