Richard Yap: Ok lang, basta huwag nila akong titirahin below the belt!

richard yap

WALANG problema kay Richard Yap kung gumanap siyang kontrabida sa mga susunod na proyekto niya sa ABS-CBN.

Puro bida ang ibinibigay na role sa kanya sa mga teleserye ng Kapamilya network, ang huli nga ay ang Be Careful With My Heart at ang Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito.

Pero sey ni Ser Chief, wala siyang nakikitang masama kung magkontrabida naman siya in the future.
“Actually I have nothing against doing other characters, kahit mag-kontrabida ako, it doesn’t really matter,” chika ni Richard sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para sa pagpasok niya sa top-rating afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Siya ang magiging bagong ka-loveteam ni Vina Morales sa programa.

Dugtong pa ng aktor, “As long as maganda ‘yung contribution ng character to the show, pwede naman.”
Pero chika ni Richard, alam din niya kung ano ang limitations niya as an actor kaya nga nagdalawang-isip siya kung tatanggapin niya ang offer ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na isang heavy drama.

“Siguro ‘yung masyadong heavy baka hindi ko pa kaya like ‘yung crying scenes. I really have to feel the scene. Nagagawa ko kapag nararamdaman ko, pero if I don’t feel na ‘di kailangan sa istorya parang di lumalabas. So for me ‘yun ang limitations ko siguro.

“Kaya sinasabi ko din when hindi ko kaya ‘yung ganoon para hindi sila ma-taken off guard,” diretsong pag-amin ni Ser Chief.

Natanong din si Richard kung ano ang masasabi niya sa ilang bashers na nagsasabing hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya marunong umarte, tugon ng Kapamilya leading man, “Well, I just do my best, as long as the network is happy with me, the ratings are going well.

Tayo naman, we always try to improve ourselves but you can’t really please everyone.” Hirit pa niya, “If it’s constructive criticism naman, there’s no problem.

Huwag lang ‘yung titirahin ka below the belt just because may gusto lang silang sabihin.” Samantala, excited na si Richard na makaeksena ang iba pang members ng cast ng NKNKK bukod kay Vina, tulad nina Denise Laurel, Christian Vasquez, Jane Oineza at Loisa Andalio.

Bibigyang-buhay niya as serye ang karakter ni Carlo, ang kababata ni Cecilia (Vina) na matagal nang naghihintay para sa muli nilang pagkikita.

Paano magbabago ang takbo ng mga mundo nina Carlo at Cecilia sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas? Magiging hadlang nga ba si Carlo sa pagbubuo ng pamilya nina Cecilia at Leandro (Christian)?

Sa direksyon nina Mervyn Brondial at Cathy Camarillo, napapanood pa rin ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita araw-araw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Read more...