Michael Panglinan nanghinayang sa di pagkasali ni Ariel sa ‘Kilabot’ Concert

michael pangilinan

MAGKAHALONG kaba at excitement ang nararamdaman ng ating Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyalang si Michael Pangilinan dahil makakasagupa na niya sa entablado mamayang gabi ang original Kilabot na si Hajji Alejandro sa Music Museum.

Isa ito sa pinakamimithi ni Michael sa kaniyang singing career kaya nangako siyang magpapakitang-gilas sa stage ngayong gabi para sa kanyang “Kilabot Meets Kilabot” concert.

“Grabe na ‘to! Todo na ‘to!” biglang bulalas niya. Lalong bumobongga ang karera ng anak-anakan natin. Tapos na ang shooting niya for his first major film, ang movie version ng hit song niyang “Pare Mahal Mo Raw Ako” sa direksiyon ni Joven Tan.

Ang napa- kagaling na aktor na si Edgar Allan Guzman will play the role of his gay best-friend niya sa pelikula with Superstar Nora Aunor na gaganap namang tibong mother ni EA.

Dalawang songs na lang at matatapos na rin ang second album niya under Star Music. Nagsimula na rin ang staging ng first musical play niyang “KANSER@35” ng Gantimpala Theater Foundation kahapon where he did two runs at the AFP Theater with Michael pla- ying Crisostomo Ibarra under the direction of Frannie Zamora.

Sa totoo lang, naiyak ako habang pinapanood ko ang play, nakaka-proud pala pag napanood mo ang anak mo sa ganitong uri ng palabas na pinapalakpakan ng audience.

Kasi naman, ang husay ni Michael as a stage actor, ako mismo ay na-shock. Sadya kong hindi siya sinamahan sa mga rehearsals niya though ako lahat ang nag-ayos ng schedule niya.

Kaya nang mapanood ko, talagang hindi tumigil ang mata ko sa kaiiyak as I watched him.  Siya ang isinalang ng Gantimpala Theater Foundation on its opening day yesterday kaya maaga ko siyang sinamahan sa AFP Theater.

Nandoon na kami ng 6:30 a.m. dahil ang first run was at 9 a.m.. Kaloka! “Hindi pa iyon ang best ko sa pagkakaalam ko, medyo nangangapa pa ako kasi nga first time kong sumalang sa isang stage musical. Sarap pala ng feeling na pinapalakpakan ka sa entablado as a stage actor.

“Nag-a-adjust pa kasi ako sa ibang medium pero I promise to do better in the next shows. It’s quite a different world pero it’s so much fun working with all these theater professionals.

“Para kang nasa Cloud 9 pag kasama mo sila. Hindi sila yung tipikal na mga artista o singers na nakakasama ko sa mga events, iba ang respect ko sa kanila,” aniya pa with so much fulfillment.

Anyway, “Kanser@35” is happening every now and then until end of this year sa iba’t ibang schools and auditoriums. Back to “Kilabot Meets Kilabot” tonight at the Music Museum.

Sabi sa amin ni Michael, “Dito ako lalong kinabahan. Kasi naman, binigyan pa kasi nila ako ng title na Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala kaya heto ngayon, ninenerbiyos akong makasama sa stage ang original na Kilabot.

“Nakakakilabot tuloy. Baka hindi ko mabigyan ng justice ang title na iyan. Nakakatakot yung feeling na makakasama mo in one stage si Tito Hajji.

Sayang nga at hindi pumuwede ang schedule ni Kuya Ariel Ruvera na tinagurian ding Kilabot ng mga Kolehiyala sa kanyang henerasyon. May ta- ping kasi siya, sana tatlo kami sa stage.

Next time siguro, maybe in a bigger venue pag tatlo na kami. Ha-hahaha!” ani Michael Pangilinan na left and right ang commitments lately kaya talagang gumagawa siya ng paraan para maaral ang mga exciting numbers niya sa Music Museum tonight.

“Marami akong bagong piyesang kakantahin sa concert. Maganda ang ginawang line-up sa akin ni Tito Butch. Sana magampanan ko lahat ito, please pray for its success.

Mas gusto ko na itong ngaragan sa pagka-busy kaysa naman maghapon akong nakatunganga, di ba? Medyo busy lang lately kasi nagkasabay-sabay lang pero no complaints.

Mabuti nga at may trabaho, di ba? I am saving kasi for my future. Tsaka this is one thing that I truly enjoy doing, ang pagkanta,” sabi pa ni Michael.

This concert also features top comic acts in the country like Ms. Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland, AJ Tamiza and Le Chazz.

This concert won’t be possible without the support ng ating mga mahal na presenters like Isabela Gov. Bojie Dy, Capt. Ernie Moya, Mr. Neal Gonzales and Mang Inasal.

Thanks too sa ating mga major sponsors like Ms. Chaye Cabal-Revilla, Ms. Laarni Enriquez, Quadro Frames, Sen. Nancy Binay, Mr. Art Atayde, Guiguinto (Bulacan) Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz, Mama Lily and Daddy Henry Chua, Atty. Ferdie Topacio, Ms. Donna Villa and Direk Carlo J. Caparas, Kuya Boy Abunda, Mrs. & Mrs. Nixon and Adela Teng, Zaldy Aquino, Dreamwave Resort Hotels, Joel Cruz Signatures and Sutla Whitening Soap.

See you all tonight sa Music Museum at 9 p.m.. Ang hindi pumunta magkakapigsa sa puwet. Ha-hahaha!

Read more...