KATUWAAN ng mga Pinoy saan man sa mundo ang magpa-contest.
Iyan ang isang magandang katangian ng mga Pilipino, kayang-kaya nilang aliwin ang mga sarili kahit sa maliit na bagay lang.
Andiyan na sumasali sa iba’t-ibang organisa- syon pag pakiramdam nila na ito ay makakatulong sa kanila habang nasa iba- yong dagat.
Bukod diyan, isa rin ang mga pa-contest ang nagpapaaliw sa kanila. Hindi maaaring mawala sa listahan ng mga Pinoy ay ang pagtuklas ng gandang-Pinay. Kaliwa’t kanan ang beauty pageant ng mga samahan ng Pilipino kahit saan man.
Marami rin ang sumasali rito, lalo pa’t sa palagay nila ay meron silang angking-ganda at talino.
Nakatutuwang makita ang mga babaeng Pili- pinang ito na rumarampa sa stage, nagpapakita ng kanilang natatanging ga- ling tulad ng pag-awit at pagsasayaw hanggang sa Question and Answer portion.
Sa sandaling sumasali ‘anya sila sa ganitong mga pa-contest, pansamantala nilang nakalilimutan ang mga trabahong-bahay sa kanilang mga amo o anumang gawain na siyang dahilan kung bakit sila nag-aabroad, at kung ano-ano pang bu- mabagabag sa kanila.
Lalo pa kapag nanalo ang Pinay. Kakaibang pakiramdam ang taglay nito. Siyempre ipinagmamalaki siya ng kaniyang mga kababayan pati na ng kaniyang employer. Mga kagandahang nagdadagdag inspirasyon sa kanilang pagtatrabaho at respeto sa sarili.
At kung maganda ang pakiramdam na iyon, tiyak na masaya siya at ganado sa buhay.
Sabi nga isang dayuhan sa ating OFW, “I envy Filipinos, because you people know how to live life”.
Oo nga naman, dahil kapag nakita na nilang nagkakatuwaan at nagtatawanan ang Pilipino, nahahawa na rin ‘anya sila sa masayang lahing ito.
Maging sa mga barkong naglalayag sa karagatan, pinipili ng maraming lahi na makasama at makasalamuha ang mga Pinoy dahil masasaya ‘anya sila.
Kapag day-off nila, hahanap sila ng mga Pilipinong nagkakatuwaan at doon sasama. Hindi maaaring mawala ang kantahan siyempre at walang katapusang halakhakan.
Iyan din ang dahilan kung bakit nagagawa ng Pinoy na tiisin ang mahahabang oras ng pagtatrabaho at mahabang mga taon ng hiwalay sa mga mahal sa buhay dahil nga sa magandang mga katangiang ito na nagpapatatag sa kanila bilang tao.
Muli naming inaanyayahan ang sinumang nais na makakuha ng mga kursong pang- kabuhayan tulad ng “Computer Training” at Basic Sewing & Machine Operating” na makipag-ugnayan na sa Bantay OCW Foundation. Bahagi ito ng patuloy na paghahatid ng mga programang pang-edukasyon ng ating katuwang sa Senado na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Tulad ng dati, sa loob ng maraming mga taon ng paglilingkod ng Bantay OCW, palaging kabahagi at kaagapay ng programa si Marcos sa pagtulong sa ating mga kababayang OFW at mga kapamilya nito na mabigyan ng tamang kasanayan at kabuhayan ang ating mga kababayan.
Maaari na kayong magpadala ng email sa bantayocwfoundation@yahoo.com osusankbantayocw@yahoo.com. Smart text helpline: 0998.991.2629. Ibigay ang inyong pangalan, edad, address, OFW o kapamilya ng OFW, pangalan ng OFW at saang bansa naroroon ito, anong trabaho sa abroad at kaano na katagal doon, kursong nais kunin at iba pang mensahe. Salamat po sa inyong pagtitiwala sa Bantay OCW.