NANUMBALIK sa aking ala-ala ang eksena kung saan ay HHWW (holding hands while walking) sa lobby ng isang five-star hotel sa Mandaluyong ang isang dating senador at isang artista na ngayon ay pulitiko na rin.
Si former Mr. Senator ay isang mahusay na pulitiko at talaga namang may ibubuga kahit saang pwesto sa gobyerno siya isabak ay talaga naman swak, ika nga.
Pero noon pa man ay marami na ang nahihiwagaan sa kanyang gender preference kahit na ba sabihing pamilyadong tao si Sir.
Naulit ang eksena sa birthday party ng isang kilalang journalist kung saan ay imbitado sina former Senator at aktor na ngayon ay isa na ring elected official.
Doon ay muli kong nakita ang sweetness ng dalawa na halos magsu- buan pa habang kumakain.
Sinubukan kong tanungin ang may-birthday kung ano ang relasyon ng kanyang dalawang kaibigan pero siniko nya ako at hayaan ko na lang daw silang maging “happy.”
Totoo namang happy ang dalawa dahil makaraan nilang kumain ay pumunta sila sa isang sulok at doon ang eksena ay para silang bagong mag-jowa na matagal na hindi nagkita.
Habang nag-uusap ay umiinom ng red wine ay manaka-naka ay naghahawak-kamay ang dalawa.
Panay ang kanilang tawanan at wala silang pakialam kahit ano ang sabihin ng mga nakapaligid sa kanila.
Ang aktor na bida sa ating kwento ay mula sa angkan ng mga artistang may magagandang mukha sa showbiz.
Isa na rin siyang pulitiko ngayon na bagama’t may edad na rin ay bakas pa rin ang kanyang ma- gandang rehistro sa TV at wide screen.
Ang dating mambabatas naman ay isang mahusay na abogado na sa unang tingin ay barakong-barako ang da- ting.
Malawak na rin ang kanyang experience sa public service mula sa local governance, national government, legislative hanggang sa mga NGOs na kanyang kinaaaniban.
Sa susunod na eleksyon ay inaasahan na naman na magiging aktibo ang kanyang political life.
Ang actor/politician na pinaniniwalaang karelasyon ng isang dating mambabatas ay si R.J …as in Radio Jock.
Ang dating mambabatas na kalambingan ni actor/politician ay si G.D….as in Gandang Diwata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.