Sir Chief sa bansag na Daytime King: Title lang ‘yan, hindi ako apektado!

RICHARD YAP

RICHARD YAP

MAGBABALIK-SERYE sa daytime ang tsinitong aktor na si Richard Yap sa top rating Kapamilya Gold ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita starting this week.

Ibang Richard Yap ang masasaksihan sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita kung saan makikipagsabayan siya ng aktingan sa iba pang cast ng teleserye sa pangunguna nina Vina Morales, Loise Andalio at Denise Laurel.

Bibigyang buhay ni Richard ang karakter ni Carlo na matagal nang naghihintay para sa muli nilang pagkikita ng kababata niya na si Cecilia (Vina).

“Ako ‘yung nagsabi na maghihintay ako. So, we grew up together. Nagkita lang kami ngayon na lang, after 20 years,” ani Richard sa solo presscon niya para sa pagpasok niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Nakumbinse si Richard na tanggapin ang role as Carlo sa NKNKK dahil it’s something new, “Medyo mas madrama siya. So, sige, subukan natin.”

Hindi naman kinailangan pa ni Richard ang sumailalim sa workshop for his role sa NKNKK. Nang i-describe raw sa kanya ng creative staff ng show kung ano ‘yung karakter niya, inaral niya ito agad.

“Kasi medyo positive si Carlo dito. Hindi naman siya, he’s not as burdened as the other characters of the show. Hindi siya ganoon ka-heavy,” pahayag ni Richard.

This time, mas nabigyan naman ng emphasis sa amin ngayon ang ti- tulong binigay kay Richard bilang Daytime King, “Well, actually noong ano pa ‘yan, Be Careful pa sinabi. Lumabas na ‘yan kasi si Jodi (Sta. Maria) Daytime Queen naman,” esplika niya.

Tinanong namin si Richard kung may pagtayo ba ng balahibo sa katawan niya kapag naririnig niya na tinatawag siyang Daytime King, “Ah, it’s just a title. It doesn’t really affect who we are. Syempre, it’s flattering, or thankful that we’re given titles pa rin. (But) It doesn’t mean that we rest on our, we have to work hard on everything that we do pa rin.”

Then we said pa to him na mukha ngang he’s really working hard dahil pumayat siya ngayon, “Hindi kasi matagal akong walang trabaho kaya nagtipid muna ako. Ha-hahaha!” biro niya.

Katatapos lang niya ng Kung Fu Chinito sa Wansapanataym. Pumayat siya dahil nag-workout daw siya at sinabayan niya ng diet to make himself fit. But primarily, nagpapayat siya para sa gagawin niyang teleserye sana with Judy Ann Santos.

“Yes, ‘yun nga, that was the main reason. Kasi may konting action ‘yun, e. Pero okey lang kasi, parang itutuloy din naman namin after she gave birth. We will do something else in the meantime, so, eto na nga ‘yun,” sey pa ni Sir Chief.

After Ai Ai delas Alas and Jodi Sta. Maria, ang Cebuana actress-singer naman na si Vina ang kanyang bagong leading lady sa teleserye.

“Well, madaling katrabaho si Vina coz’ pareho kaming taga-Cebu. So, we have something in common. Actually, I’ve met her dati-dati pa. She was still starting-out as an actress. Nagkita kami sa Cebu Plaza.

Pero hindi niya maalala ‘yun. Ako lang, naalala ko. Ha-haha!”

Nagkasalubong lang daw sila sa mall tapos nag-smile sa kanya si Vina, “She was very nice. Artista na siya noon kaya ko siya nakilala.”

Diretsahang tinanong namin si Richard kung crush ba niya si Vina that time, “Ah, well, meee-medyo,” natitigilang sagot ni Richard.

Bago ang kanyang solo presscon ay nagkita na sila ni Vina para sa look test ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. That time hindi pa sinabi ni Richard kay Vina na crush niya dati ang singer/actress. Ano kaya ang magiging reaksyon dito ng misis ni Richard na si Melody?

Read more...