Warning ni Angelica sa mga kaaway: Ipapatumba ko kayo!

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELICA PANGANIBAN

May isang matindi yata ang galit kay Angelica Panganiban kaya naman pinag-initan nito ang kanyang Instagram account.

Hindi mabuksan ng dalaga ang kanyang IG account dahil mukhang tinamper ito kaya kailangang ireset ang password nito.

“Guysssss. Pinapahanap ko na kung sino ang gumagawa nito. Ang baho ng trip nyo men.. ang gusto ko lang magpasaya araw-araw. Kung d ko kayo napapasaya, isa lang ang ibig sabihin nun. Bitter ka sa life.

Ipapatumba ko kayo isa isa sa mga tauhan ni madam Claudia. Bang. Bang,” caption ni Angelica sa photo niya.

Sino kaya ang naimbiyerna kay Angelica at tinamper ang kanyang IG account?
Mukhang merong isang taong matindi ang galit sa kanya matapos niyang mura-murahin ang bashers niya recently.

Read more...