Sikreto ni Sandara Park inilabas na: bagong endorser ng Penshoppe

sandara park
INIHAYAG ng miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park na siya na ang bagong ambassador ng Penshoppe.
Noong isang buwan, sinundan si Sandara sa kanyang Instagram ng kanyang mga tagahanga matapos bumisita sa Pilipinas, kung saaan kumain siya ng maraming beses sa Jollibee.
Hinamon din niya ang kanyang mga co-stars sa “We Broke Up” na sina Jang Ki-yong at Lee Beom-gyoo para kumain ng balut. Nanood din siya ng concert ng Big Bang, nag-ziplining, bumisita sa at Taal at nagpunta sa beach kasama ang kanyang mga kaibigang mga Koreano.
Wala naman silang kaalam-alam na nasa Pilipinas si Sandara para sa mas malaking rason: ang shooting para sa Penshoppe.

Read more...