Dahil dito, nais niyang irekomenda si Failon na i-appoint ito bilang traffic czar.
“Mr. Failon knows the problems and has been articulating sound solutions to our annoying traffic problem. Failon is exposed to the problems, knows the stakeholders and familiar with government procedures,” ayon kay Erice, na isang miyembro ng Liberal Party.
“Ted is perfect. He can rally the motorists to cooperate and follow traffic rules,” dagdag pa nito.
Ginawa ni Erice ang suhestyon, isang araw matapos umani ng matinding pagbatikos si MMDA chairman Francis Tolentino dahil sa ginawa nitong pagtatrapik malapit sa Ateneo de Manila University sa Katipunan, at sa harap ng isang shopping mall sa Edsa. Si Tolentino ay nagbabalak tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng LP.
Maging si Failon ay todo ang naging pagbanat kay Tolentino dahil sa ipinaalam pa nito sa media ang gagawin nitong pagta-trapik.