BUKAS si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa posibilidad na maging running mate si Vice President Jejomar Binay sa 2016.
“I’m open to anything at this point,” ani Marcos.
Pero niliwanag niya na wala pa silang napagkasunduan ng Bise Presidente.
“This is Philippine politics, and you can’t discount the possibility of things that you didn’t imagine would happen. Never say never when it comes to politics. And again I mean, I always go back to the simple principle of keeping your options open,” dagdag ni Marcos.
Bukod kay Binay, nakipagkita na rin si Marcos kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na isa sa mga lumulutang na posibleng makatambal niya sa 2016 elections.
“Basically, I asked him (Duterte) what are you planning to do and he asked me, what are you planning to do and we talked about it, what do you think if this thing happens, what do you think if that happens,” kuwento pa niya.
Samantala, humingi naman ng tawad si Marcos sa mga biktima ng Martial Law noong panahon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Binay-Bongbong sa 2016 kasado na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...