Kalat na: Valerie magpapakasal sa dyowang Komisyoner sa USA?

valerie concepcion

Someone confided to us na may relasyon daw talaga itong sina Valerie Concepcion ang Bureau of Immigration Commisioner Siegfred Mison and guess what, pareho silang nasa Amerika ngayon for a much-needed vacation.

“Naunang umalis si Commissioner dahil meron siyang mga business meetings. Sumunod na lang si Valerie after a few days at dinig namin ay magpapakasal sila roon dahil annulled na naman si Mison sa ex-wife niya.

Hindi nila puwedeng ikailang magdyowa na nga sila dahil very close friend ni Mison ang nagkuwento sa akin,” sabi ng very reliable source na nag-text sa akin the other night nang maging topic namin sila sa “Mismo” ni Papa Ahwel Paz sa DZMM.

Nabuwisit lang kami dahil last month ay meron pang ipinadalang e-mail itong si Valerie sa amin denying her relationship with this man.

Meron daw kasing threat sa kaniya ang wife nu’ng guy kaya nagpalabas ng disclaimer itong si Valerie. In the first place, wala namang isyu sa kaniya before kaya nabigla kaming mga taga-entertainment media nang biglang nagpadala ng sagot niya si Valerie thru our emails denouncing her alleged romance with the commissioner.

Iyon pala may ganitong drama. Ibig sabihin, pinaikot lang tayo ni Valerie? Nakakinis yung ganoon, di ba? Mas mabuti pa yung inamin na lang niya kaysa nagmalinis.

Marami rin ang nabuwisit sa starlet na ito dahil sa walang patumanggang pagpo-post niya ng mga pictures ng business class ticket at mga alahas niya sa Instagram.

Hindi mo alam kung nang-iinggit o ano. For all you know, hindi naman niya pera ang pinambili niya noon, huh!

Puwede naman siyang bumiyahe at magsuot ng mamahaling alahas na di na kailangang ipangalandakan pa sa social media, di ba? Eiwww!

Read more...