Maingay na tambutso

motor for site

SA mga tambayan ng mga tricycle driver sa Antipolo, mayroong nabuong teorya mas ma- tibay daw ang mga motorsiklo na maingay.

May nagsasabi naman na mas maganda yung maingay na motorsiklo para napapansin ka ng ibang motorista at hindi ka mabangga.

Pero kung ang gusto mo ay marinig ka ng ibang motorista, mas makabubuti siguro na ang gamitin na lamang ay ang busina (kaya nga mayroon nito ang mga motorsiklo).

Kaya naman may mga nag-aalis ng ‘silencer’ ng kanilang mga motorsiklo. Kalimitan na mayroon nito ang mga motorsiklo na binili ng brand new.

Ang iba naman ay pinapalitan ang kanilang mga tambutso upang umingay. Ikinabubuwisit naman ito ng mga taong nagigising dahil sa ingay ng mga nagdaraang tricycle.

Hindi lahat ng maingay na tambutso ay sinadaya at hindi lahat ng rider ganito ang gusto. Sa ibang bansa ay ipinagbabawal din ang maingay na motorsiklo lalo na sa mga lugar na mayroong noise pollution law.

Dito sa Pilipinas, mayroong ordinansa sa Cebu City na may ganitong pagbabawal. Pero ang City Ordinance 465 ay ipinasa noon pang 1964 kaya mayroong mga hakbang sa city council upang ma-update ito.

Sa Davao City, mayroong Ordinance 738 na ginawa noong 1978, na naguutos ng paglalagay ng silencer sa mga motorsiklo.

Isa sa mga dahilan kung bakit maingay ang tambutso ay ang maluwag na exhaust pipe. Sa paglipas ng panahon ay nasisira ang muffler lalo na at kalimitang pinapabayaan lamang itong madumi na isa sa mga dahilan ng pangangalawang nito.

Kadalasan ang lumuluwag ay mga turnilyo na siyang nagpapanatili sa posisyon sa tambutso. Kaya una ito sa suriin kung maingay na sasakyan mo.

Maaari ring magdulot ng ingay kung mayroong leak ang tambutso. Ito ang dahilan kung bakit ang usok ay hindi lamang lumalabas sa dulo ng tubo.

Madali lamang solusyunan kung ganito ang problema. Maaari kasi itong lagyan ng mga pandikit. Pero kung marami nang butas at may budget naman, bumili na ng bagong exhaust muffler.

Read more...