P30M jackpot sa Mega Lotto 6/45 nakuha ng isang vendor

Megalotto 6-45


Isang vendor ang nanalo ng P30.1 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Agosto 19.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay isang babae na walang asawa, at 50-taong gulang. Siya ay taga-Tondo Manila.
Siya ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 1-7-14-28-44-45.
Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang taya ng manalo. Plano niyang tulungan ang kanyang mga kapatid at pag-aralin ang kanyang mga pamangkin.
Magbibigay din siya ng donasyon sa simbahan. Aalis na siya sa kanyang tinitirahan at magpapatayo ng sariling grocery.

Read more...