BUKOD sa mga kakandidato sa pagkapresidente—ituon muna natin ang atensyon kina Vice President Jejomar Binay at Interior and Local Government Sec. Mar Roxas dahil sila ay nagpahayag na tatakbo sa 2016 election—pinag-uusapan din kung sino ang magiging First Lady.
Sabi sa mga umpukan, nakakasira kay Roxas ang kanyang maybahay na si Korina Sanchez, dating news anchor ng ABS-CBN.
Marami raw nakaaway itong si Sanchez sa kanyang mga komentaryo noon at ang mga ito ay hindi susuporta kay Roxas.
Ayaw nilang maging first lady si Korina. Nakakasira raw siya kay Roxas.
Sagot naman ng mga sumusuporta kay Roxas, sino ang gusto nilang maging first lady si dating Makati Mayor Elenita Binay?
Si Mrs. Binay ay nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay ng mga anomalya umano sa pinasok nitong kontrata noong siya ang alkalde ng lungsod.
Si Mrs. Binay ay i- nakusahan din ng dati nilang kaalyado na si dating vice mayor Ernesto Mercado na may kinalaman sa mga katiwaliang nangyayari sa Makati city government.
Kinukunsinti umano ni Mrs. Binay ang ginagawa ng asawa at nakiki-isa pa siya rito. Pero hindi pa naman napapatunayan ang mga alega- syong ito sa korte bagamat may mga ipinakita ng ebidensya sa pagdinig ng Senado.
Kayo na ang bahala kung sino ang gusto ni- yong maging first lady.
Palinisan ng rekord ang hamon ng kampo ni Roxas kay Binay.
Binuo pa nga nila ang MAR as in Malinis Ang Rekord upang ipakita ang pagkakaiba ng kalihim kay Binay na pinuputakte ng alegasyon ng korup- syon.
Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ang kampo ni Roxas na tapos na ang laban kung si Binay din naman ang kalaban.
Sinasabi na tuluyan ng bumagsak ang rating ni Binay dahil tinatakbuhan nito ang mga alegasyon laban sa kanya sa halip na harapin at patunayan na siya ay inosente sa mga alegasyon.
Maging ang mga “bata” ni Binay na kanyang ipinuwesto sa gobyerno ay sinisilip rin ngayon.
Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, kumita umano ang mga bata ni Binay sa Home Guaranty Corp. Ang duda ng marami sa kampanya ni Binay gagamitin ang pondong nalikom, kung totoo man na may natiwaliang nangyari.
Natatabunan man ng mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente, naghahanap na rin ng masasamahan ang mga tatakbo sa pagkasenador.
At 12 upuan man sa Senado ang paglalabanan sinasabi na masikip ito dahil sa dami ng malalaking pangalan na tatakbo.
Kaya naman ang mga gustong kumandidato ay nanliligaw na rin sa iba’t ibang partido para maisama ang kanilang pangalan sa balota.
Umaasa rin sila na tama ang presidential bet na sasamahan para mahatak ang kanilang rating at masiguro ang kanilang upuan sa Senado.
At kung mamalasin man, umaasa sila na mabibigyan ng puwesto ng sasamahang kandidato sa pagkapangulo kung sakaling mapunta ito sa palasyo ng Malacañang.