‘Doble Kara’ ni Julia Montes wagi agad sa rating

julia montes

WAGI agad sa TV viewers ang pagsisimula ng pinakabagong Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na Doble Kara tampok ang Royal Prinsesa ng Drama na si Julia Montes.

Base sa datos mula Kantar Media noong Lunes (Agosto 24), nakakuha ang pilot episode ng Doble Kara ng national TV rating na 16.9%, kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na Half Sisters (15.6%).

Dahil sa pagkasabik ng TV viewers at netizens sa pagbabalik ni Julia, mabilis ding naging nationwide trending topic sa microblogging site na Twitter ang hashtag na #DobleKaraSimula matapos bumuhos ang mga positibong tweets bilang suporta sa teleserye.

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment TV, tampok din sa Doble Kara ang powerhouse cast na binubuo nina Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon at Alora Sasam.

Ipinakikilala rin sa teleserye ang bagong leading men ni Julia na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles. Kasama rin sa Doble Kara si Alicia Alonzo para sa kaniyang espesyal na pagganap.

Ito’y sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin. Huwag palampasin ang kwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, Doble Kara araw-araw, pagkatapos ng Flordeliza sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng bagong teleseryeng ito, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment TV sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Read more...