Sa Bacolod City, Negros Occidental tumaya ang nanalo ng P9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha ng lumabas na kumbinasyong 11-10-8-23-12-7. Nanalo naman ng tig-P6,240 ang 107 mananaya na nakalimang numero at tig-P200 ang 2,673 mananaya na nakaapat na numero.
Balik-taya (P20) naman ang 32,841 mananaya na nakatatlong numero. Umabot sa P13.3 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng lotto.
MOST READ
LATEST STORIES