Alden, Yaya Dub may movie na; pasok din sa MMFF entry nina Ai Ai at Bossing

By Julie Bonifacio August 25,2015
share this

Alden, Yaya Dub may movie na; pasok din sa MMFF entry nina Ai Ai at Bossing

By Julie Bonifacio August 25,2015
share this
IT’S confirmed! Makakasama na nga ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza as Yaya Dub sa 2015 Metro Manila Film Festival entry nina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto.
Ito ang kinumpirma ng Comedy Queen sa amin nang makachika namin siya pagkatapos ng Sunday PinaSaya noong Linggo sa GMA 7. Ang tinutukoy ni Ai Ai ay ang official entry ng M-Zet Productions, Octo Arts at APT Entertainment, sa MMFF na “Rom-comin Mo Ako.”
“Yes, confirmed na confirmed,” ang pahayag ni Ai Ai.
Nang tanungin namin ang Box-Office Queen kung ano ang magiging role nina Alden at Yaya Dub sa movie nila ni Bossing Vic, “Yan ang hindi ko alam. Basta, parang kami ni Alden, tapos sila (Vic) at Yaya Dub, ganoon.”
Kung matatandaan, pumirma kamakailan si Alden ng four-year contract sa APT Films, isa nga sa producers ng “Rom-comin Mo Ako.”
At sa pagkakaalam namin, iba pa ito sa solo movie na inihahanda para sa dalawa na may working title na “My Bebe Love (#KiligPaMore)”.
Tiyak na ngayon pa lang ay excited na ang AlDub fans na mapanood ang dalawa sa big screen. At siniguro ng mga ito na panonoorin nila nang paulit-ulit ang unang pelikula nina Alden at Yaya Dub. May nagsabi pa nga na uulit-ulitin nila ang movie para lumakas ang laban nito sa box-office at mag-number one sa MMFF.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending