PINATUNAYAN ng ilang impormante ang sobrang kaartehan ng batang aktres na matagal nang kinaiinisan ng kanyang mga katrabaho. OA raw kasi talaga ang young actress na feelinggera.
Habang dumadami kuno ang mga miron sa set ay lalo namang nag-iinarte ang girl, gustung-gusto niya kapag maraming tao sa location, du’n siya nagpapalutang ng kanyang kaartehan.
Kuwento ng isang source, “Ewan nga ba kung bakit ganyan kaarte ang babaeng ‘yun? Nakakaloka siya, ha? Kung ang iba ngang mga artistang may napatunayan na, e, hindi naman ganyan katemaarts, siya pa ba namang wala pang gaanong napapatunayan ang aarte nang hindi tama?
“Pagdating niya sa set, agad na siyang tutuloy sa dressing room niya. Sasabihan niya agad ang coordinator na huwag mag-ingay ang mga staff and crew, matutulog daw kasi siya. Sosyal, di ba?
“Gagawin bang sarili niyang bedroom ang make-up room na hindi lang naman siya ang mag-isang nandu’n dahil marami pang ibang artistang du’n din magpapa-make-up?
“Sa dami ng mga bagahe niyang dala-dala, e, masikip na ang dressing room, magpapalagay pa siya ng sleeping bag para sa granatsa niya? Natural, kinopo na niya ang buong area!
“Kaya naiinis sa kanya ang mga artistang kasamahan niya sa taping, sobrang arte raw kasi ng young actress, wala raw kasing-arte si ____(pangalan ng isang young actress na wasak ang puso dahil sa pagbababu ng boyfriend niyang aktor din),” kuwento ng aming impormante.
Dahil sa kanyang kaartehan ay halatang-halata tuloy na hindi siya kinakausap ng mga co-stars niya, maging ang staff at crew, hindi rin siya type.
May hula ka na? Huwag mo nang kimkimin kung sino ang hula mo, i- labas mo na ‘yan! Agad-agad!
Blind item: Aktres sukdulan ang kaartehan, mga katrabaho bwisit na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...