Sulat mula kay Erika ng Pandol, Corella, Bohol
Dear Sir Greenfield,
Matagal na po akong nagpa-plano na mag-abroad pero hindi po ako matuloy-tuloy, laging may hadlang sa plano ko. Kaya sa ngayon naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa kasalukuyan ay matutuloy na kaya ako. Ang aplay ko po ay D.H. sa Dubai at may tumutulong naman sa akin. Sa palagay nyo matutuloy na kaya ako at kung matutuloy kailan kaya at kung matutuloy ako na makaalis papalarin kaya ako sa abroad at magkakaroon ng mabait na amo? December 14, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Erika ng Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang duda, kapansin-pansin may malinaw at magandang Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.), na nagsasabing sa takdang panahong inilaan ng kapalaran tiyak ang magaganap – makapag-aabroad ka.
Cartomancy:
Six of Diamonds, Ten of Clubs at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong ito ng 2015 kung hindi sa buwang ito ng Agosto, tiyak ang magaanap sa buwanng Oktubre sa tulong ng iyong kaibigan na nasa Dubai na, matutupad na rin sa wakas ang pangarap mong makapag-abroad.
Itutuloy…