Bela sinuwerte nang lumayas sa GMA; tinuhog sina Coco at Dennis

BELA PADILLA

BELA PADILLA

ANG suwerte ni Bela Padilla dahil napasama siya sa napakalaking pelikulang “Felix Manalo” bilang leading lady ni Dennis Trillo. Gagampanan ng aktres ang papel ni Honorata, ang asawa ni Ka Felix.

Mukhang ngayon na tuluyang napansin si Bela ma- tapos siyang bumalik sa ABS-CBN dahil nu’ng nasa GMA pa siya ay hindi naman ganu’n kaingay ang pangalan niya pati na ang kanyang mga project.

“Ang daming blessings kaagad, parang ang lahat nga ay mabilis. Right now, ini-enjoy ko muna kung anuman ang nangyayari sa career ko ngayon,” ani Bela.

Dagdag pa ng dalaga, “Parang sinuwerte ako this year, maganda ang takbo ng career ko.

“Honestly, nu’ng nag-umpisa ang taong ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong idea kung saan ako pupunta, basta I just really want to try new things.

“Tapos, nagsimula dito sa movie na ito, ito ang buwena mano ko this year. Nag-start kami mag-shoot ng January, tapos nun, nagkasunud-sunod na. Habang nagsu-shoot kami, nagkaroon na ako ng iba pang projects,” sabi pa ng aktres.

Natanong din si Bela tungkol sa isa pang leading man niya na si Coco Martin sa seryeng Ang Probinsiyano, ano ba ang pagkakaiba nila ni Dennis as partner on screen, “Paano ko ba sasabihin, parang kinabahan ako dun. Si Dennis kasi, parang hindi kami masyadong nag-uusap sa tent, kasi parehas kaming mahababa ang lines.

“Tapos period (movie) nga, 1910, malalalim ang Tagalog. So, imbes na magtsikahan kami, nagme-memorize na lang kami ng lines. Pero pagdating sa set, nagku-connect kami.

“Ako, ibinibigay ko sa kanya ang credit, kasi sobrang galing nga niyang umarte. Thankful ako na nakasama ko siya at nakatrabaho. Meron siyang konek sa mata kaagad kaya nadadala niya ako sa eksena,” paliwanag ng aktres.

Para naman kay Coco, “He knows what he has and what he hasn’t. I don’t see Coco as a mababaw na person, na hindi naman grade school na mali-left out. He’s there as an actor, he’s very down-to-earth, lagi kong sinasabi ‘yan kapag may nagtatanong sa akin.

“Kapag tinatanong ako kung sino ang mga actor na gusto kong makatrabaho, siyempre sinasabi ko ay ‘yung mga top caliber. Siyempre ‘yan si Dennis, si Coco, you would really want to work with the top actors, di ba?

“Iba-iba sila ng ugali, kaya nagulat ako na ganun si Coco. He opens up, he tells you what he wants to achieve, kung saan siya nanggaling,” paglalarawan ni Bela kay Coco.

Sayang nga bossing Ervin at hindi pa namin napanood ang Ang Probinsiyano nu’ng makausap namin si Bela para hingan sana ng reaksyon ang boyfriend niyang si Neil Arce sa napakaraming kissing scene nila ni Coco.

Sa “Felix Manalo” kasi ay dampi lang ang halikan nila ni Dennis dahil nga period movie ito at nangyari ito nu’ng ikasal sila at higit sa lahat, hindi naman uso noon ang laplapan.

Samantala, natanong si Bela kung ano ang selling point ng pelikulang “Felix Manalo” na idinirek ni Joel Lamangan, “Nu’ng una, hindi ako aware sa life story nila (Ka Felix), parang initially isipin ng mga tao na this movie, ‘yung market niya is for INC members lang.

“For me, siguro dapat panoorin ng mga tao kasi hindi naman siya religion based movie, it’s an inspiring movie person who believe on something na ipinaglaban niya and feeling ko, ‘yun ‘yung kaila- ngan ng tao.

“Kailangan natin ng role model, personally hindi ako Iglesia Ni Cristo member, pero masasabi ko ngayon na na-inspire ako nina Ka Felix at Ka Ata (Honorata) kasi ang dami nilang pinagdaanan, parang isinakripisyo nila ‘yung comfortable life nila mga bagay na mayroon sila para mag risk to form a new religion, to tell people the good news, very ano inspiring,” pahayag ng aktres.

Mapapanood ang “Felix Manalo” sa Okt. 7 nationwide at meron din itong premiere night sa Okt. 4 na gaganapin sa Philippine Sports Arena sa Bulacan. Bukod pa ito sa nakatakdang international screening sa anim na kontinente sa buong mundo.

Read more...