Heart puring-puri ang pagiging tatay ni Chiz

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVENGELISTA

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVENGELISTA

Halos dalawang linggo na ring hindi nakakahawak ng gadgets ang mga anak ni Sen. Chiz Escudero dahil nahihilig ang mga bata sa pagbabasa.

Isa raw ito sa nagiging bonding moments nila ng kanyang mga anak, pati na rin ng kanyang misis na si Heart Evangelista. Sabi nga ni Heart sa isang panayam, hindi raw mahirap mahalin at pakisamahan ang mga anak ni Chiz, dahil lumaking mababait at magagalang ang mga ito.

Ayon kay Chiz, bagama’t abala siya sa gawain sa Senado, sinisiguro niyang matutupad niya ang pangako sa kanyang kambal na sina sina Joaquin at Cecilia, na samahang magbasa ang mga ito gabi-gabi.

“Hangga’t maaari, gusto kong umuwi nang gising pa sila para masamahan silang magbasa bago matulog. Isang bagay iyan na hindi ko ginawa noong lumalaki ako kaya gusto kong maranasan nila,” aniya.

“Ang sarap pala ng feeling na nakikita mong nag-e-enjoy ang mga bata magbasa. Ilang araw na iyan, nagbabasa lang kami hanggang antukin sila,” ani Chiz.

Naichika rin ni Heart na tuwan-tuwa raw si Joaquin sa “Hardy Boys”, habang si Cecilia naman ay aliw na aliw sa mga adventures ni Nancy Drew.

Kuwento pa ni Heart, tutuwang-tuwa raw ang kanyang asawa dahi masipag mag-aral ang kambal. Minsan daw, kapag pinapalad na makauwi nang maaga sa bahay si Chiz, dinadatnan niyang gumagawa ng homework ang mga bata.

Read more...