NAKAKALULA itong AlDub fever lately – kahit saan ako magpunta ay iyan ang tinatanong sa akin and gosh – almost everyone knows how to do the pabebe wave na iyan.
Pati mga senador, mga taga-bangko, drivers, students or even nuns ay marunong na ng Pabebe Wave.
Nababaliw ako sa kanila. Isa lang ang ibig sabihin niyan – talagang sikat ang tandem na ito na napapanood sa Eat Bulaga.
Eat Bulaga has always been there. Consistent naman sila ever since sa mataas nilang rating. Pero iba ang pag-zoom up ng numbers nila when this AlDub thing came about.
Nilamon nga nila ang rating ng It’s Showtime na naka- kabahala na rin for sure sa management ng aming mahal na ABS-CBN.
Ganoon talaga, we cannot have it all. May mga show talagang hindi matibag-tibag sa Dos lalo na sa mga teleserye dahil na-master na ng ABS ang pulso ng TV viewing public.
Pero sa noontime, medyo hirap nga silang su- mabay sa Eat Bulaga lalo na nang pumasok ang AlDub tandem nina Alden Richards and Yaya Dub.
“Ang cute kasi nila, bagay silang magka-loveteam. Hindi yung tipikal na romance-romance na pa-cute like the KathNiel, JaDine or LizQuen. Comedy kasi ito at fresh ang idea kaya gustong-gusto ng tao.
Nakakasawa na kasi ang drama ng mga pa-cute na loveteams eh, iba itong AlDub. Funny and entertaining at nakakakilig talaga.
Nakakasawa na kasi ang Showtime, yung mga style nina Vice Ganda, Ann Curtis, Billy Crawford and Vhong Navarro, paulit-ulit na lang!” pagtataray ng isang kakilala naming bading.
Well, this is a big challenge nga para sa It’s Showtime producers. They have to do something about it. Eat Bulaga is enjoying a tremendous high rating.
Tama naman ang kausap natin, It’s Showtime must reinvent at hindi sagot ang sabi nilang Vice Ganda is coming up with a Vice Dub para itapat sa AlDub.
“Paano nila iisiping pantapat sa AlDub ang Vice Dub eh, si Vice nga ang kinaiiritahan ng audience? Dapat baguhin na ni Vice ang style niya.
Ang sakit na sa tenga ng mga boses nila sa show. Tsaka ang image ng mga hosts nila, whew! Lahat may kani-kaniyang iskandalo. It’s the whole show na dapat nilang baguhin,” talak pa ng kausap natin.
Hay naku, basta ako, with or without AlDub, Eat Bulaga baby talaga ako ever since. Alam naman ng buong mundo iyan noon pa, di ba?