Itong si Allan K ay magaling talagang mang-inggit. Kahapon pala sila umalis ni Lito Alejandria patungong London and some parts of Europe for a much-needed vacation.
Hindi sila magsu-show roon, lalandi lang sila. Galing, di ba? The last time I went to Europe was two years ago at sa loob ng 32 days ay napakarami kong napuntahang bansa that time.
Sarap sa Europe, grabe! At ang daming guwapo! Kaya inggit na inggit ako sa kanila when they told me that they were Europe-bound at kahapon na nga sila lumayas.
Mga 7 days ba silang mawawala or 10 days? Babalik ako sa London by February, 2016 – sasamahan ko ang baby nating si Michael Pangilinan for a series of shows doon na ipu-produce ng friend naming si Javier Eubra, Jr., may-ari ng Mondo Events.
Humanda ang Europe na iyan by February at iikutin namin ni Michael iyan. Hmp!